Ang una naming bisita sa bagong bahay sa Pampanga

 Magandang araw sa inyong lahat, nais kong magpasalamat dahil kayo ay narito upang pakinggan ang aking karanasan sa pagbisita namin kasama ang aking mga magulang sa bagong bahay namin sa Pampanga. Isang napakasayang karanasan dahil ito rin ay pagkakataon upang makalayo mula sa mausok na siyudad.

                       Alas tres ng madaling araw noong magsimula kaming bumyahe kasama ang aking ama at ina, excited ako sa totoo lang dahil ito ang una kong "Ride" kasama ang aking mga magulang patungo sa malayong probinsya ng Pampanga. Sakay ako ng aking motorsiklo at binaybay ang kahabaan ng Mc Arthur Road dahil dito ang ruta patungo sa Pampanga. Nang makarating kami sa Pampanga, agad na sumalubong saamin ang magagandang tanawin, at pumukaw agad sa'king mga mata ang kainang kilala at sikat sa pangalang "Aling Lucing Sisig" mahilig kasi ako sa pagkaing Sisig, at isang karangalan na matikman ang pinagmulan nito o ang orihinal na recipe nito dahil dito sa maynila, nakakasawa na ang sisig. Dahil Semana Santa, sa Pampanga ay may taun-taong tradisyon na tinatawag na "Penitensya" kung saan ang iilang kapampangan ay nagpapapako sa kruz, nag papahirap sa kanilang sarili at sinasaktan ang kanilang mga sarili bilang pagalala sa sakripisyo na ginawa ng Diyos. 

                    Ang iilang estraktura sa Pampanga ay nalalayo sa estrakturang matatagpuan dito sa maynila, lalo sa baryo, talagang sa kahoy gawa ang mga bahay at napakasimple ng buhay doon. Nagkalat ang mga bata sa lansangan na naglalaro ng mga larong kalye, ang mga pisonetan ay walang laman dahil lahat ng bata ay mas pinipiling maglaro lamang sa labas. Hindi lang sisig ang tinikman namin sa Pampanga, dinamay na rin namin ang kilalang tocino na talaga namang babalik-balikan ko sa tuwing magagawi ako roon. Nang makarating na kami sa mismong bahay namin, natuwa ako dahil, ito ay tapat lamang ng bahay ng aking mahal na lola nanay, isa sa mga nagalaga sa'kin at nagpalaki. Hindi gano'n ka-gara ang aming bahay ngunit paniguradong masarap tumambay rito at dalhin ang aking mga kaibigan dahil may rooftop ito. Lowbat ako nang makarating kami sa bahay kaya hindi ako masyadong nakapagpicture, kinaumagahan naman, hindi ako nagfocus sa picture dahil sinulit ko ang magikot sa lugar namin, napakasaya dahil iba ang karanasan sa lugar namin kumpara rito sa Maynila. Pag-uwi ko ng bahay, nasa labas ang mga kamag-anak namin at syempre bilang nakagawian, nagmano ako sa mga tito, tita, lolo at lola ko. 

                  Talaga namang nag-enjoy ako sa nangyaring pagbisita namin, umaasa akong makakabalik ako muli roon upang isama naman ang mga kaibigan ko at ang aking mga pinsan.

Comments