Lakbay Sanaysay
Sa tulong ng Lakbay-sanaysay, naipakilala ang Ilocos sa pamamagitan ng “Vlog” kung saan, ang “Vlogger” ng bidyo ay ipinakita ang mga destinasyong makapigil hininga na nakakasabik puntahan, iilang kultura na mayroon ang Ilocos at mga pagkain na matatagpuan dito. Lumilikha ng impact sa mga Pilipino ang Lakbay-sanaysay dahil, hindi lahat ay makalalabas ng kanya-kanyang tahanan dahil sa pandemyang nagaganap sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng Lakbay-sanaysay, ang mga tanawing hindi pa napupuntahan ng mga Pilipino ay nakikita at nagkakaroon sila ng ideya kung ano ang mayroon sa lugar na ‘yon. Ang nabuo kong kahulugan ng Lakbay-sanaysay batay sa’king pagkakaintindi ay, ang Lakbay-sanaysay ay isang uri ng tagapagtaguyod sa isang lugar dahil sa Lakbay-sanaysay, nagkakaroon ng interes ang mga kapwa natin Pilipino o di kaya’y mga dayuhan upang sila mismo ay pumunta at tuklasin ang kung anong nilalaman ng kanilang napanood or nabasa na Lakbay-sanaysay. Ang katangian ng isang lakbay sanaysay ay tagapagbigay ng mga impormasyon ng isang lugar katulad ng lokasyon, kultura, pagkain, kasaysayan at mga istrakturang matatagpuan dito na magiging dahilan upang ang mga dayuhan ay magkaroon ng interes dito. Nililikha ang Lakbay-sanaysay sa pamamagitan ng Blog o minsan ay Vlog.
Comments
Post a Comment