Pagbibigay kahulugan sa mga pahayag

 "Naramdaman ko ang pagiging bata." Ang ibig sabihin nito ay, may parte ng ating pagkabata ang panandaliang naramdaman natin sa isang pagkakataon habang tayo ay namamasyal halimbawa, lahat tayo ay minsang binilhan ng ice cream ng ating mga magulang noong tayo ay bata, ngayong malaki na tayo, kapag tayo ay binilhan nila ng ice cream, nakakaramdam tayo na tila ba tayo ay bata muli.

"Hindi nawala ang mga ngiti sa aming mga mukha." Kapag mayroong bagay na nakapagpasaya sa’tin na hindi lang sa maikling panahon kundi tumagal ang saya na naramdaman natin dahil sobra nating napahalagahan yung bagay na ‘yon.

"Kanin pa rin ang hinahanap ng puso niya." Ang ibig sabihin nito ay hindi magbabago ang iyong naisin o ang gusto ng iyong damdamin kung marunong kang makuntento sa buhay.

"Nakasakay kami sa kariton sa likod ng kalabaw." Ang ibig sabihin nito ay ang kalabaw na tinutukoy ay ang ama o miyembro ng pamilya na patuloy kumakayod sa trabaho kahit anong mangyari upang maitaguyod patungo sa pangarap ang nakasay sa kariton o nakatira sa kanyang tahanan. Walang katumbas pagmamahal ng isang taong kayod kalabaw sa trabaho upang mataguyod ang kanyang pamilya.

"Dito namin naranasang humiga sa mga bato ng ilog." Ang ibig sabihin nito ay, minsan may isang  bagay tayong nararanasan na panibago sa ating pakiramdam, hindi palaging iisang sitwasyon o pangyayari lamang umiikot ang ating buhay.


Comments

Popular posts from this blog

Ang una naming bisita sa bagong bahay sa Pampanga