Posts

Ang una naming bisita sa bagong bahay sa Pampanga

 Magandang araw sa inyong lahat, nais kong magpasalamat dahil kayo ay narito upang pakinggan ang aking karanasan sa pagbisita namin kasama ang aking mga magulang sa bagong bahay namin sa Pampanga. Isang napakasayang karanasan dahil ito rin ay pagkakataon upang makalayo mula sa mausok na siyudad.                        Alas tres ng madaling araw noong magsimula kaming bumyahe kasama ang aking ama at ina, excited ako sa totoo lang dahil ito ang una kong "Ride" kasama ang aking mga magulang patungo sa malayong probinsya ng Pampanga. Sakay ako ng aking motorsiklo at binaybay ang kahabaan ng Mc Arthur Road dahil dito ang ruta patungo sa Pampanga. Nang makarating kami sa Pampanga, agad na sumalubong saamin ang magagandang tanawin, at pumukaw agad sa'king mga mata ang kainang kilala at sikat sa pangalang "Aling Lucing Sisig" mahilig kasi ako sa pagkaing Sisig, at isang karangalan na matikman ang pinagmulan nito o ang orihinal na ...

Pagbibigay kahulugan sa mga pahayag

  "Naramdaman ko ang pagiging bata." Ang ibig sabihin nito ay, may parte ng ating pagkabata ang panandaliang naramdaman natin sa isang pagkakataon habang tayo ay namamasyal halimbawa, lahat tayo ay minsang binilhan ng ice cream ng ating mga magulang noong tayo ay bata, ngayong malaki na tayo, kapag tayo ay binilhan nila ng ice cream, nakakaramdam tayo na tila ba tayo ay bata muli. "Hindi nawala ang mga ngiti sa aming mga mukha." Kapag mayroong bagay na nakapagpasaya sa’tin na hindi lang sa maikling panahon kundi tumagal ang saya na naramdaman natin dahil sobra nating napahalagahan yung bagay na ‘yon. "Kanin pa rin ang hinahanap ng puso niya." Ang ibig sabihin nito ay hindi magbabago ang iyong naisin o ang gusto ng iyong damdamin kung marunong kang makuntento sa buhay. "Nakasakay kami sa kariton sa likod ng kalabaw." Ang ibig sabihin nito ay ang kalabaw na tinutukoy ay ang ama o miyembro ng pamilya na patuloy kumakayod sa trabaho kahit anong mangy...

Lakbay Sanaysay

  Sa tulong ng Lakbay-sanaysay, naipakilala ang Ilocos sa pamamagitan ng “Vlog” kung saan, ang “Vlogger” ng bidyo ay ipinakita ang mga destinasyong makapigil hininga na nakakasabik puntahan, iilang kultura na mayroon ang Ilocos at mga pagkain na matatagpuan dito. Lumilikha ng impact sa mga Pilipino ang Lakbay-sanaysay dahil, hindi lahat ay makalalabas ng kanya-kanyang tahanan dahil sa pandemyang nagaganap sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng Lakbay-sanaysay, ang mga tanawing hindi pa napupuntahan ng mga Pilipino ay nakikita at nagkakaroon sila ng ideya kung ano ang mayroon sa lugar na ‘yon. Ang nabuo kong kahulugan ng Lakbay-sanaysay batay sa’king pagkakaintindi ay, ang Lakbay-sanaysay ay isang uri ng tagapagtaguyod sa isang lugar dahil sa Lakbay-sanaysay, nagkakaroon ng interes ang mga kapwa natin Pilipino o di kaya’y mga dayuhan upang sila mismo ay pumunta at tuklasin ang kung anong nilalaman ng kanilang napanood or nabasa na Lakbay-sanaysay. Ang katangian ng isang lakbay ...